ABOUT, PURE VEGGIES

SILI AT KAMATIS (CHILI AND TOMATOES)

Sili at kamatis, napapanahon ngayong taglamig, siguro mga huling anihan na, mura ang kilo kaya minsan ay aking niluluto na katapat ng fried fish or meat. Ito ay hindi lamang kapares kundi nakakapagbigay gana sa pagkaing walang sabaw. Simple at madaling lutuin, kailangan lang ng anchovy sauce o bagoong balayan, kaunting mantika, luya at sibuyas. Igigisa lahat at titimplahan ng anchovy sauce o bagoong balayan at lalagyan ng kaunting tubig na tama lang makaluto sa sili at kamatis. Masarap na kasamang pang ulam ng fried fish o di kaya ay fried cutlet 😀

Yong siling haba ay hindi maanghang lalo na yong pula na mataba. Kung gusto ng maanghang ay may roon din. Pero mas gusto namin ang hindi maanghang. Maari ring gawing ensalada. Para sa grill meat o inihaw na isda. Sa panahon ng tag-init ng araw sa araw-araw na panahon ay panahon din ng pag-grill o ihaw-ihaw. Masarap ding kapares ng inihaw na isda o karne ang ensaladang sili at kamatis.

Ito namang maliit na sili na mapula na tawag sa Pilipinas ay “siling labuyo”, aking inilalagay sa suka na may halong nabalatan na bawang at luya. Magandang sawsawan ng inihaw o di kaya ay napritong isda o karne. Kapag napapanahon ay murang-mura ang kilo ng mga ito.

SEAFOODS AND VEGETABLES

PANLASANG PINOY EP:1

This entry is all about “PANLASANG PINOY” meaning ito ay pagkaing ayon sa panlasa nating mga PILIPINO. Mostly kasi ng mga entry ko dito ay mga pagkain natutunan kong lutuin dito sa Europa. So by this time para maiba naman ay nais kong ibahagi sa inyo ang point of view ko sa panlasang pinoy na tinatawag. Di kaila sa ating mga Pilipino na “FOOD LOVERS”, likas na yata sa bawat pinoy. Mostly sa ating mga kababayan kahit na matagal nang naninirahan sa ibang bansa ay di natin kinalilimutan ang mga putahing ating natutunan, kinagisnan o kinalakihan at tradisyon. Katulad ng dalawang putahing ito na aking napiling ihanda para pananghalian ng aking pamilya!

Grilled Orata or inihaw na Bakoko, nilagang okra at kamatis na may ginisang bagoong alamang. Just for my 2 kids and me, hubby was not at home. Pero masarap talagang kumain kapag ganito ang ulam, I even ate with “kamay” talaga!
Ang orata o bakoko, dito sa Vienna mabibili ito sa muarang halaga ang kilo lalo na kapag napapanahon. Masarap, iihaw, sabawan, ipaksiw, iprito even lahukan ng sari-saring gulay. Hindi malangsa at hindi rin matinik na isda. Malaman talaga at masarap ang lasa. Tamang-tam para sa nilagang okra at kamatis na may ginisang bagoong alamang para sa pananghalian namin ng dalawa kong anak.