Hay Buhay! Sabado na naman, araw ng pamamalengke, paglinis ng bahay, paglalaba at pamamahinga. Yes, “PAMAMAHINGA” tama ang nabasa mo, hindi ka namamalikmata… pagkatapos ng buong isang Linggo na pag duty sa trabaho…heto ako ngayon nagsusulat dito sa aking WEBLOG na siyang binabasa mo ngayon 😉 pagkatapos mag fb (facebook) at makipagkulitan sa mga friends ko sa fb. Ganito nalang halos palagi ang routine tuwing araw ng Sabado…hehehehe…Nope, hindi po nagrereklamo, bagkus masaya po kasi nakagising nang maayos kahit na maraming nakalinya na gawaing bahay!
Ilan kayang nanay ang katulad ko sa ngayon na ganito ang dinaranas?
Pero masarap ang buhay kahit ganito basta para sa mga mahal sa buhay at sa ikakabuti ng buhay ng buong pamilya 🙂
Then mag-aalmusal, pagkatapos ay uumpisahang mag assort ng labahin at maglalaba. Habang naglalaba ang washing machine-seyempre sabay upo sa sala patuloy ang pag-fb at pag-update sa akin WEBLOG, para may babasahin kang muli!—–MARAMING SALAMAT KAIBIGAN SA WALANG SAWA MONG PAGBISITA DITO, kahit na medyo boring basahin ang mga nilalaman nito ay galing naman sa PUSO♥ at ISIPAN ko. At ang mga pang araw-araw na pagkaing niluluto ko at ng aking kabiyak para sa buong pamilya.
Heto ang aking almusal, yes ako lamang. Hubby and kids are on duty!
Beef-Noodle-Egg-Soup plus Lemon Juice 🙂
Sa haba ng oras ng pag lalaba at kasabay ng pag-fb ko ay di na namalayan ang oras na malapit na pala ang oras ng pananghalian. Oras na pala para magluto ng pananghalian. Kahit ano nalang kung ano ang meron sa refrigerator siyang maluto. Teka, mukha yatang may natira pa akong laeng na pinatuyo at manok, at yong natirang pinaksiw na mackerel kagabi ni hubby.
Ito ang pananghalian naming mag-ina ngayong Sabado ng tanghali. Ginataang Laeng, Chicken in tomatoe sauce at pinaksiw na mackerel :pump-;):
Ngayon nag-iisip kung ano ang magiging hapunan naman. Pero marami paring natira sa pananghalian. Kaya maaring ubusin nalang lahat yon at hindi na magluluto. Pero Maaaring mag bake ako ng apple strudel para sa almusal bukas. Pinag-iisipan pa kung itutuloy ko o hndi habang sinusulat ko ang mga linya na ito 😛
Patuloy ang pag-UPDATE dito…
Sabi nila ‘di na uso ang TURBO, pero dito sa bahay ay 2 ang turbo namin na siyang ginagamit pa naming mag-asawa kahit na sabi ng iba ay di na uso. May oven din kami pero nakahiligan naming gamitin ang turbo. Dito rin ako madalas mag-bake ng aking apple strudel sa TURBO!
Oo nga pala magpahanggang sa ngayon ay wala pa akong na-upload sa YOUTUBE ng mga naluto ko sa OVEN!
Antabayanan na lamang sa mga susunod na kabanata dito parin sa aking “Crazy Home Cooking Travel and More… 😉