SILI AT KAMATIS (CHILI AND TOMATOES)

Sili at kamatis, napapanahon ngayong taglamig, siguro mga huling anihan na, mura ang kilo kaya minsan ay aking niluluto na katapat ng fried fish or meat. Ito ay hindi lamang kapares kundi nakakapagbigay gana sa pagkaing walang sabaw. Simple at madaling lutuin, kailangan lang ng anchovy sauce o bagoong balayan, kaunting mantika, luya at sibuyas. Igigisa lahat at titimplahan ng anchovy sauce o bagoong balayan at lalagyan ng kaunting tubig na tama lang makaluto sa sili at kamatis. Masarap na kasamang pang ulam ng fried fish o di kaya ay fried cutlet 😀

Yong siling haba ay hindi maanghang lalo na yong pula na mataba. Kung gusto ng maanghang ay may roon din. Pero mas gusto namin ang hindi maanghang. Maari ring gawing ensalada. Para sa grill meat o inihaw na isda. Sa panahon ng tag-init ng araw sa araw-araw na panahon ay panahon din ng pag-grill o ihaw-ihaw. Masarap ding kapares ng inihaw na isda o karne ang ensaladang sili at kamatis.

Ito namang maliit na sili na mapula na tawag sa Pilipinas ay “siling labuyo”, aking inilalagay sa suka na may halong nabalatan na bawang at luya. Magandang sawsawan ng inihaw o di kaya ay napritong isda o karne. Kapag napapanahon ay murang-mura ang kilo ng mga ito.

Advertisement

One thought on “SILI AT KAMATIS (CHILI AND TOMATOES)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.