Cooking has to be labor-intensive? Preparing filipino dishes can entail so much preparation and if you are feeling lazy, there are alternatives like easy to cook recipes that are just as delicious. Desperately enough you can just open a sardines from your cupboard stock squeeze a lemon in it and voala…with rice you gonna have a lunch or dinner without cooking. Well, rice cook itself in rice cooker…hehehehe…
Sometimes kapag talagang sinusumpong ng sakit na “TAMARITIS” or talagang pagod ka na sa daily routine mo ay nangyayari ang ganito. Wala nang oras magluto gusto mo nalang magpahinga, pero hindi naman pweding humiga ng walang laman ang tiyan. Sa mga kids ko ay pwede na ang bread and butter. Pero sa katulad ng hubby ko na sanay kumain ng rice ay talagang magsasaing ka at ito ang nabuksan kong sardinas na galing sa stock in my pantry!
With lemon at fresh cooked rice ay solve ang aming hapunan (dinner) mag-asawa. May storya pa itong Seagold Sardines na ito. Dito malapit sa tinitirahan ko ay may Indian Shop na matagal na niya akong suki. Madalas akong mamili ng mga pagkaing sangkap mula sa atin sa kanya. Minsan ako’y mapadaan nagkataong ibenebenta niya ang brand ng sardines na ito sa murang halaga. For 1 euro ay tatlong lata. So I bought 1 euro, at sa kagustuhan yatang ma-dispose ng madali ay binigyan pa niya ako ng 3 cans pa karagdagan doon sa 3 cans na nabili ko. Tinanggap ko, sino ba naman ang tatanggi sa grasya…hahahhaha…Hindi ito expired, masyado lamang marami ang stock niya at matumal na mabenta. Hindi rin masama ang lasa, pero pang araw-araw ay hindi rinpwede sa amin…lol…